Halos P3.5B na halaga ng investment, pumasok sa BARMM ngayong taon

Tuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa Saturday News Forum, iniulat ni BARMM Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun na umaabot na sa halos 3.5billion pesos ang pumapasok na investment sa kanilang rehiyon ngayong 2024.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

42% na itong mas mataas sa target nila sa buong taon ng 2024.

Mas mataas din nito sa naitala nila noong taong 2023 na nasa 3.1 billion pesos worth of investment at nakapag bigay ng halos dalawang libong job opportunities sa kanilang mga kababayan.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Samantala, ayon pa kay Pendatun sumirit na rin ang bilang ng mga natatanggap nilang turista, kung saan nakapag tala na sila ng 558 thousand local tourist at 1,394 na mga foreign tourist o sa kabuuan ay aabot ng halos 560 thousand na mga turista.