Baguio City LGU – tiniyak ang tulong sa mga nasunugan

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang lungsod Baguio sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito’y para matiyak ang posibleng tulong sa mga may-ari ng negosyong apektado sa nasunog na bagahi ng Maharlika Livelihood Center ng Baguio City .

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Ayon sa City Social Welfare and Development Office, puwedeng makatanggap ng P6,000 to P10,000 ang mga apektado negosyante, depende sa magiging assessment na mangyayare.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Maaalalang umabot sa higit P11 million ang danyos ng sunog.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng apoy. (BRIGADA INTERN MICHAELA DE LEON)