Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) hinggil sa umano’y nangyayaring organ trafficking.
Ito ang naging aksyon ng NKTI sa pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tatlong inidbidwal na nagba-buy and sell umano ng mga human organs gaya ng kidney.
Ang isa sa mga suspek na nananatili pa ring at-large ay isang NKTI nurse, at sinasabing isang gang leader.
Itinaggi naman na ng isang nurse ng NKTI ang alegasyong sangkot siya sa bentahan ng kindey at sa organ trafficking.
Samantala, nagbabala naman sa publiko ang institusyon kaugnay sa pagpasok sa mga transaction sa mga grupo, organisasyon, at pribadong indibidwal na nagpapakilalang mula sa NKTI.
Inaabisuhan din nito ang mga pasyente at iba pang stakeholders sa magtungo sa NKTI para sa lehitimo at tamang impormasyon hinggil sa kanilang mga serbisyo.