Inanunsyo ni Mayor Benjamin Magalong na inaalis na nito ang limitasyon sa mga bisita na pinapapasok sa summer capital ng Pilipinas.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Magalong na panahon na para sa recovery ng Baguio City bilang paghahanda sa transition ng bansa sa new normal.
Ipinunto ng alkalde na muli silang makikipag-ugnayan kasama ang mga private at business sectors upang makalikha ng isang enabling environment.
Ayon kay Magalong, magtatakda ang lokal na pamahalaan ng maraming parameters upang maitatag ang treshold tulad ng manageability ng traffic at ng mga tao lalo sa mga places of conergence tulad ng mga markets at malls, air quality, at crowd counting.
Mababatid na nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Baguio City hanggang March 15.
