Bagong variant ng COVID-19, pinaghahandaan ng MOH-BARMM

NAGBABALA ngayon sa publiko si MOH-BARMM Minister Dr. Kadil Jojo Sinolinding na mag-ingat dahil sab anta ng bagong variant ng COVID-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay Minister Sinolinding, hindi malayo na makarating sa rehiyon ang COVID 19 Flirt Variant dahil sa pagiging high mobility ng mga tao buong bansa.

Kanyang inirekomenda na tulad noong panahon ng pandemic ay mas makakabuting magsuot ng face mask ang publiko, gumamit ng mga protective equipment kung kinakailangan, social distancing at paghuhugas ng kamay.

Sa ngayon bilang bahagi ng paghahanda sa nasabing virus, may mga idineploy na syang mga front line personnel sa lahat ng mga entry at exit point ng rehiyon para mamonitor ang mga pumapasok na taga ibang lugar lalo na ang mga dayuhan na manggagaling sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *