Bagong specie na ahas, pinangalanan umano na hango sa isang sikat na aktor

Isang ahas kamakailan ang natuklasan ng mga siyentipiko at itinuturing na isang bagong specie.

Una na umano itong nadiskubre noong May 2022 na may habang 40 cm sa bundok ng Otishi National Park sa San Marcos National University.

Bilang pagkilala sa 81-anyos na aktor na si Harrison Ford, dahil sa pagiging environmental activist, pinangalanan ito na hango sa kaniyang pangalan na may scientific name na “Tachymenoides harrisonfordi”.

Ang nasabing ahas ay wala naman umano banta sa mga tao dahil sa palaka at butiki lamang ang kinakain nito.

Ayon naman sa biologist na unang nakadiskubre sa nasabing ahas, sumang-ayon naman daw si Harrison Ford patungkol sa paggamit ng kaniyang pangalan.

Matatandaan na una nang nakilala si Harrison sa movie franchise na star wars kung saan, gumanap bilang si Han Solo at bilang isang environmental activist at piloto.|WENCY LISAY