Rep. Castro: ‘Conducive learning spaces’, dapat unahin ng DepEd

Nabaling sa mga nakapaskil na mga larawan ng ilang mga opisyal ang usapin sa mandato ng Department of Education (DepEd) na alisin ang mga dekorasyon sa loob ng silid aralan.

Ayon sa ilang grupo ng mga guro, hindi na kailangan pang ipag-utos ang pagtatanggal ng mga artwork, decorations, tarpaulin, at posters na nasa mga classroom dahil alam ng mga guro ang importansiya ng mga ito sa mga mag-aaral bagkus ang mga picture ng ilang opisyal ang dapat na unang nililinis.

Sa panyam ng Brigada NewsFM kay ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, sinabi nito na hindi dapat na alisin ang lahat ng mga nakadisenyo sa loob ng silid aralan lalo’t pinaghirapan ito ng mga guro, magulang at mag-aaral at nakakatulong sa mga visual learners.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sabi ni Castro, imbis na pagdiskitahan ang mga decorations—bakit hindi raw unahin ng DepEd ang pagkakaroon ng mas conducive na learning spaces para sa mga estudyante.

Aniya, dapat ay iprayoridad ng DepEd ang pagsasaayos sa labis-labis na mga class size, at mainit na mga classrooms.

Samantala, para naman kay Teachers’ Dignity Coalition national chairperson Benjo Basas, malinaw sa DepEd Order 21 policy na nilagdaan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na kailangan na maging malinis at walang anumang nakapaskil sa loob ng silid-aralan ngunit conflicting pa rin para sa karamihan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

UNDERSTIMULATION SA MGA LEARNERS

Iginiit ng isang child psychologist na hindi tama na walang nakapaskil na posters at dekorasyon sa mga silid aralan dahil posible itong mag-iwan ng understimulation o kawalang gana sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kay Dr. Anna Tuazon, importante na maging stimulated o maengganyo ang mga estudyante na mag-aral sa pamamagitan ng mga dekorasyon sa silid-aralan.

Dagdag pa ni Tuazon, dapat mayroong iba’t ibang palamuti ang classroom bawat antas mula kindergarten, elementary at high school.

Aniya, kung nag-a-alphabet sila bagay na may alphabet na poster sa loob ng clasroom dahil kailangang ‘welcoming, lively at engaging’ ang pag-aaral ng mga bata.