Hindi pa man nakakahihinga ang mga motorista matapos ang halos limang piso sa umento sa presyo ng produktong petrolyo noong ngayong linggo – next week ay asahan na naman ang panibagong round ng oil price hike.
Ayon sa oil indrustry sources, P2.00 hanggang P2.50 ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel.
Mayroon ding aasahang umento sa gasolina na posibleng umabot ng P0.20 hanggang P0.50 sa kada litro nito.
Asahang iaanunsyo ang opisyal na price adjustments sa Lunes, habang ipatutupad naman ito sa Martes.
Bago ito, una nang sinabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau na mayroong ilang mga international events na posibleng nakaaapekto sa patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang na rito ang ban ng EU sa Russian oil imports, pati na rin ang epekto ng lockdown sa China.
#