PNP, magpapatupad ng ‘no-fly zone’ sa palibot ng National Museum

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang mga kalsada sa Metro Manila na isasara sa araw ng inagurasyon ni President elect Bonbong Marcos Jr. na gaganapin sa National Museum sa June 30, 2022.

Base sa impormasyon mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nakahanda na ang mga kapulisan para sa mga isasarang kalsada kagaya ng kahabaan ng Padre Burgos Ave. mula Taft hanggang sa Roxas Boulevard.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Gayundin sa Finance Rd. mula sa Padre Burgos hanggang Taft Ave.

Bukod dito’y isasara rin ang TM Kalaw Ave., Maria Orosa Street. General Luna Street. mula sa Padre Burgos hanggang sa Muralla Street.

Gayundin ang kahabaan ng Victoria Street. at Ayala Boulevard mula General Solano Street hanggang sa Ayala Bridge.

Bukod dito, ipapatupad naman ang ‘no fly zone’ at 1 km radius sa paligid ng National Museum para sa mga sasakyang panghimpapawid at drones.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, ipapatupad din sa araw ng inagurasyon ang ‘no backpack policy’ sa loob ng VIP area habang plano ring maglagay ng mga video walls para makanood ang mga dadalo sa harap ng museum.

Sa ngayon, sinabi ng PNP na all set na sila para sa pangkalahatang seguridad sa arw ng inagurasyon ng susunod na Pangulo ng bansa.(CLAY MARQUEZ)
#