Housing backlog, dapat unahin bago ang paghost sa mga Afghan refugees – senador

Humiling ng paliwanag si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada sa planong pagtanggap ng Pilipinas sa mga Afghan refugees na naghihintay ng resettlement sa United Arab Emirates.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations tinanong ng mambabatas kung ano ang magiging implikasyon ng pagtanggap ng mga Afghan Nationals sa problema ng pabahay sa bansa.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ipinunto ni Estrada na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa 6.5 million housing backlog na dapat umanong pagtuonan ng pansin ng pamahalaan.

Dagdag pa nito marapat lamang na unahin ng gobyerno ang mga sarili nito mga kababayan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Binigyan-diin din ni Estrada na limitado lamang ang resources ng bansa kaya dapat na unahin muna ang kapakanan ng mga Filipino bago ang ibang lahi.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na posibleng umabot sa 50,000 Afghan refugees ang tanggapin ng bansa.//LB, edited MHEL PACIA