Bagong road rage incident, viral ngayon—Suspek, nagpakilala pang sundalo

Pinahahanap na ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr. sa Philippine National Police ang umano’y nagpakilalang retiradong AFP major kasunod ng panibagong road rage incident sa Arnaiz Avenue sa Makati City noong August 25.

Sa isang viral video na kumalat online, makikitang nagpapambuno si Police Staff Sergeant Marson Dolipas ng Pasay City Police Station at ang motoristang si Angelito Rencio sa gitna ng kalsada habang may hawak na dalawang baril ang pulis.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon sa ulat ng PNP, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa alitan sa trapiko at nang makita ni Dolipas ang isang baril na nakasukbit sa baywang ni Rencio, hinugot niya ang kanyang baril at kinumpiska ang baril ni Rencio.

Dinala si Rencio sa Makati City Police Substation 3 at nagpakilala bilang isang retired major ng Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines , ngunit kalaunan ay napag-alaman na siya ay wanted sa kasong usurpation of authority dahil sa pagsusuot ng uniporme ng isang Army major.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Nagpaalam din daw si Rencio na uuwi ng bahay para kunin ang mga dokumento ng kanyang baril ngunit hindi na ito bumalik sa istasyon ng PNP.

Dahil sa insidente, ni-relieve na ni Police Colonel Edward Cutiyog, hepe ng Makati Police, ang Station Commander ng Substation 3 at desk officer nio matapos hayaang makaalis ang rider.

Pinagpapaliwanag na rin ang nasangkot na pulis.