Pagpapakita ng delicadeza at maikukunsiderang magandang gesture ang pagsusumite ng courtesy resignation ni QCPD Chief PBGen. Nicolas Torre III.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Pero ayon kay Acorda, hindi niya muna tinanggap ang resignation niyo dahil maraming accomplishments ang opisyal
Pag-aaralan din muna nya muna ito kasama si si DILG Sec. Benhur Abalos Jr at QC Mayor Joy Belmonte.
Nagsumite ng resignation si Torre dahil sa napunang umano’y pagbibigay ng special treatment sa dismissed na pulis na si Wilfredo Gonzales matapos siyang pahintulutang humarap sa media sa pamamagitan ng pressconconference sa tanggapan ng QCPD.
Si Gonzales ang nasa viral video matapos manakit at magkasa ng baril sa isang siklista sa QC kamakailan.