Bagong PTFoMS chief – pinahahanap na

Wala pang napipisil si Pangulong Bongbong Marcos na magiging kapalit ni Paul Gutierrez bilang bagong Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Cesar Chavez, inatasan na sya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng papalit sa mababakanteng pwesto ni Gutierrez.

Pero kung sya raw ang tatanungin, gusto niya ay galing din sa media o industriya ng broadcast ang kukuhanin niyang iuupong bagong pinuno ng PTFoMS.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Para raw maintindihan agad o maunawaan ang panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag at makapaglatag ng mga hakbang upang maiwasang mabiktima ng karahasan dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Una nang inanunsyo ni Bersamin na hindi na pinalawig ni Pangulong Marcos ang tenure ni Gutierrez bilang PTFoMS Executive Director.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kung matatandaan nabanggit ng dating Customs Intelligence Officer na si Jimmy Guban ang pangalan ni Paul Gutierrez sa pag dinig ng quad committee kamakailan, na di umano’y kumausap sa kanya para manahimik kaugnay sa isyu ng bilyong halaga ng shabu sa magnetic lifter, bagay na itinanggi naman ng naturang opisyal.