Bagong pasilidad sa RSCC, itatayo

KORONADAL CITY- SINIMULAN na ang construction ng bagong pasilidad para sa mga inabandona at inabusong mga kabataan sa Reception and Study Center for Children o RSCC sa Barangay Maibo, Tantangan, South Cotabato.

Ito ay pinondohan ng P 33.9 million.

Ang itatayong pasilidad ay mayroong 40 bed capacity, may therapy pool, study room, quarters para sa mga lalaki at iba pa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang groundbreaking ceremony ay pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr.

Ito ay inaasahang matatapos sa loob ng siyam na buwan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang RSCC ay isang 24-hour residential facility na nagbibigay ng social work interventions, protection at rehabilitation services sa pamamagitan ng temporary residential care sa mga pinabayaan, inabandona, inabuso at mga kabataang pinagsamantalahan at yaong may special needs.