Apat na mga Sorsoganon ang Provincial Awardee ng Young Farmers Challenge- Bicol.
Kinilala ang mga ito na sina David Dean Guarte ng Taboc Natural Farm mula sa Taboc Juban, Russel Escultura at Nicole Estrellado ng Green Prints Naturally Grown Lettuce mula sa Buenavista Gubat, Marione Calveen Gueta ng Layuan Nature Integrated Farm mula sa Sitio Layuan, P7, JP Laurel Bulan, at Gil Malines, ng Malines Mushroom and Vermicast Production ng Bacolod St. San Roque Bulusan.
Ang bawat isa sa mga awardees ay pagkakalooban ng Php 80,000 financial grant bilang suporta para sa kanilang nakaplanong makabagong agri-fishery enterprise.
Sila ay aabante sa regional level competition kung saan ang mga piling indibidwal o grupo na may pinaka-promising agri-enterprise ay bibigyan ng karagdagang Php 150,000 para mas mapaunlad pa ang kanilang mga venture.
Ang nasabing mga awardees ay bibigyan din ng serye ng business development services tulad ng training at mentoring assistance, market linkage, at business networking at iba pa upang matiyak ang patuloy na pagpapatupad ng kani-kanilang negosyo sa pamamagitan ng Young Farmers Challenge program, isang business-based competition para sa mga nagsisimulang batang agri-negosyante.
