Kinumpirma ni Sen. Francis Tolentino ang kaniyang pagbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee sa susunod na buwan.
Ito ay bilang pagtalima ng senador sa na unang kasunduan na pamumunuan niya lamang ang Komite sa loob ng isat kalahating taon.
Bukod sa Senate Ribbon Committee bibitiwan din umano ni Tolentino ang kanyang pwesto sa Commission on Appointments sa pagbabalik ng sesyon sa Enero.
Mababatid na sinabi noon ng Senador na handa siyang patuloy na hawakan ang posisyon hanggat wala pa siyang kapalit.
