Batangas City -Naglatag ng pakulo ang lokal na pamaahlaanupang mahikayat ang mga residente na magpabakuna ontra Covid19 sa Balete, Batangas.
Sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Batangas kay Balete Mayor Wilson Maralit, sinabi nito na mababa kasi ang turn out ng mga nagppabakuna sa kanilang bayan kung kayat naisipan ang pakulong raffle kung saan ang mananalo dito ay may premyong limang sako ng bigas sa hanay ng mga nagpabakuna.
Ayon kay Mayor Maralit, mahalaga ang magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon ang bawat isa sa malalang maging epekto ng virus bukod pa na mas madali ang pagtanggap ng mga lokal na pamahalaan kung sakaling kinakailangan lumikas dahilan sa pagsabog ng bulkng Taal.
Nabatid pa rin na maging si Mayor Maralit ay nagpabakuna na din, ito ay nagsilbing panghihikayat sa kanyang mga nasasakupan upang maging kampante na magpabakuna.
Sa kasalukuyan ay nasa halos 800 pa lamang ang nagpapabakuna sa bayan ng Balete na malayo pa sa target ng pamahalaang bayan upang makamit ang herd immunity.
Samantala, sinovac naman ang gamit na mga bakuna sa naturang bayan.