Makikipagtulungan lang si former Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs kung bibigyan siya ng direktiba ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Albayalde, ‘personal decision’ niyang tanggihan ang interview ng ICC investigators sakaling imbitahan siya.
Depende na aniya ito sa kanila kung makiki-cooperate sila rito o hindi.
Naniniwala ang dating PNP chief na wala nang kailangan pang sabihin sa ICC dahil iniimbestigahan na ngayon ng Kongreso ang umano’y mga drug war abuses.
Sa huli, iginiit nitong hindi nila kailanman jina-justify ang pagpatay dahil ‘pro-life’ ang hanay ng kapulisan.