Bagong mapagkukunan ng tubig itatayo ngayong taon sa Goa, CamSur

CAMARINES SUR- Itatayo ngayong taon sa bayan ng Goa Camarines Sur ang isa pang karagdagang water treatment facility at reservoir na panibagong mapagkukunan naman ng tubig sa kasentruhan ng bayan ng San Jose.

Sa pagharap sa mga residente ng nasabing bayan sa isinagawang Partido Asenso Caravan nitong Pebrero 14,  inanunsyo ni Atty. Vicky Briones ang Administrator ng  Partido Development Administration-Partido Water Supply System (PDA-PWSS), ang ilan sa mga programa at panawagan para sa mga konsumedor kaugnay nang kinakaharap na problema sa tubig.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit
Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Kaugnay nito, nanawagan naman ang opisyal sa mga barangay kapitan at konsumedor na panagutin at isumbong sa kanilang opisina ang sinumang may ilegal na koneksyon ng tubig na hindi dumadaan sa metro ngunit nag-aambag sa malaking porsyento ng water loss o non-revenue water ng nasabing bayan.