Simula ngayong araw hanggang Agosto 25, 2023 ay sasailalim sa National Learing Camp (NLC) ang 300 guro mula sa Department of Education (DEPED) Sorsogon City Divisions Office.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Schools Divisions Superintendent Jose Toots Doncillo, sinabi nito na layunin ng NLC na mapunan ang tinatawag na learing deficit na bunga ng pagtama ng pandemya, dalawang taon na ang nakakaraan kung saan malaki ang naging epekto nito sa mga kabataan at sa mga guro na nais matutukan ng DEPED o ang tinatawag na learning recovery.
Sa ilalim ng nasabing programa magsisimula ito sa implimentasyon para sa Grade 7 at 8 sa English, Science at Mathematics habang nakatutok naman sa pagbabasa at Math ang nasa Grade 1 hanggang Grade 3 kung saan mag-eenrol ang mga nasabing guro sa tatlong uri ng Camp
Kinabibilangan ito ng Enhancement Camp, Consolidation Camp, o Intervention Camp.
Umaasa ang DEPED na magiging maganda ang epekto nito lalo na sa relasyon ng guro at mag -aaral na matagal nang nakararanas ng online class o alternative learning modalities.
