Pagmumura ni Digong – ‘di daw uubra sa Quad Comm

Hindi umano mag-aatubili ang mga miyembro ng Quad Committee sa Kamara na burahin sa official records ang pagmumura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling dumalo ito sa pagdinig kaugnay sa war on drugs campaign.

Ayon kay Quad Comm Co-Chairman Dan Fernandez, ipinagtataka niya kung bakit hindi ito ginawa ng Senado at wala man lang nanindigan na tinawag niyang kahiya-hiya.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sisiguraduhin umano ni Fernandez na mapapanatili ang “decorum” sa Kongreso.

Paliwanag nito, susubukan nilang paalalahanan ang dating pangulo at kapag paulit-ulit pa rin na nagmura ay saka sila gagawa ng hakbang.

Mahalaga aniya ang pagpapanatili ng standards of conduct sa legislative body lalo na sa pagdinig sa mga sensitibong isyu gaya ng human rights gayundin ang pagtatakda ng limitasyon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Dagdag pa ng Quad Comm members, magsisilbing masamang halimbawa ang paggamit ng negatibong pananalita sa mga Pilipino kaya sakaling mangyari ay agad nilang igigiit ang “point of order”