Israel, inatake ang Iran bilang tugon sa natanggap na retaliatory attack

Naglunsad na ang Israel ng pag-atake sa lupain ng Iran, na nagsisilbing pinakabagong palitan ng tit-for-tat sa pagitan ng dalawang magkalaban na bansa.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Bagama’t maraming nagsasabi na nakarinig sila ng mga pagsabog sa Iran, sinabi ng isang opisyal sanhi ito ng air defense system.

Ayon sa mga awtoridad, tatlong drone sa gitnang lungsod ng Isfahan ang kanilang napigilan.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Nakumpirma ang balita nang makatanggap ang Estados Unidos ng abiso bago ang pag-atake ng Israel, na dumating ilang araw matapos ang paglunsad ng Iran ng isang retaliatory attack.