Umapela si acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa publiko na tingnan sa tamang konteksto ang video ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumutang sa social media kung saan ay tinututulan niya ang booster shots kontra COVID-19.
Sinabi ni Nograles na prayoridad ng gobyerno na ma-fully vaccinate ang mga Pilipino nang kuhanan ang nasabing video noong September, 2021.
Ipinunto niya na nasa 21-million pa lang noon ang mga fully vaccinated na Pilipino na dahilan kung bakit hindi pa aprubado sa nasabing panahon ang booster shots.
Kung maalala noong September 30, 2021, sa Talk to the People ng Pangulo, ay sinabi nito na delikado ang pagpapaturok ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine.
