Babaeng Marcos at 3 iba pa, tanggal sa listahan ng COMELEC sa pagka-Pangulo

Nabawasan pa ang mga Presidential aspirants sa listahan ng Commission on Elections.

Mula 97 na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy noong Oktubre, labing lima lamang dito ang natira sa unang validation ng Comelec.

Subalit sa bagong listahan ng poll body bumaba pa ito sa labing-isa.

Kabilang sa mga hindi nakasama ay sina Maria Aurora Marcos, Hilario Andes, Danilo Lihay-lihay at Edgar Niez.

Nanatili naman sa siyam ang listahan ng Comelec para sa Vice-Presidentiables.

Una nang sinabi ng Comelec na target nilang tapusin ngayong linggo ang pagsasapinal sa mga kandidatong isasama sa pag-imprinta ng mga balota para sa May 2022 Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *