Babaeng ilang araw na nawawala, natagpuang wala ng buhay sa isang creek

Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang creek sa pagitan ng Tabang, Guiguinto at Tikay, Malolos sa Bulacan nakaraang Martes ng hapon.

Ayon kay Acting Bulacan Police Provincial PNP Director PCOL Charlie Cabradilla, kinilala ang biktima na si Princess Dianne Dayor, 24-anyos at residente ng Brgy Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Nakilala ng kanyang pamilya ang biktima dahil sa tattoo nito at ilan pang personal items.

Base sa ulat, huling nakita ang biktima noong July 2 ng umaga sa Bgy. Tabang, Guiginto na papasok umano sana trabaho at tatlong araw ang nakalipas bago nakita ang katawan nito na wala ng buhay.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, na nawawala ang iPhone11 at wallet ni Dayor.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ngayon ng mga otoridad sa pagkakakilanlan ng posibleng suspek habang sigaw naman ng pamilya ay mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Bulacan PPO