Babae, wala ng buhay nang matagpuan sa Lucban, Quezon

Wala ng buhay ang isang babae nang matagpuan ito ng kanyang live-in partner sa Barangay Abang, Lucban, Quezon nitong Huwebes, Abril 18.

Ayon sa partner ng nasawi, bandang alas-6:30 ng umaga nang mapansin niya ang biktima na hindi humihinga kung kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay at tinawagan ang ina nito.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa isinagawang eksaminasyon ng mga awtoridad, walang nadiskubreng foul play sa pagkasawi ng biktima subalit nais ng SOCO team na pag-aralan pa ang labi ng biktima kung nagkaroon ba ng suffocation.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Hindi naman kumbinsido ang ina ng biktima na ‘natural death’ ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang anak.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pagkasawi ng nasabing biktima.