Apat katao, sugatan sa aksidente sa Tayabas City

Sugatan ang apat na katao sa aksidente na naganap sa Barangay Lawigue, Tayabas City nitong Huwebes, Abril 18.

Ayon sa police report, binabagtas noon ng motor na minamaneho ni alyas “Roderick”, 38-anyos, ang direksyon patungo sa Mauban, Quezon nang masalpok nito ang 42-anyos na biktimang naglalakad noon sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng mga injury sa katawan ang biktima, driver at ang kanyang asawa at anak na noon ay backrider ng nasabing motorsiklo kung kaya isinugod ang mga ito sa pagamutan para sa agarang lunas.

Sa ngayon, nagpapagaling ang mga nasugatan habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *