Seaman, pinagtulungang bugbugin ng tatlong lalaki sa Real, Quezon

Sugatan ang isang seaman matapos itong pagtulungang bugbugin ng tatlong kalalakihan sa Barangay Ungos, Real, Quezon nitong Huwebes, Abril 18.

Kinompronta umano ng suspek ang biktima na noon ay nasa 2nd deck ng pampasaherong bangka at doon naman nag-umpisa ang sagutan na nauwi sa panununtok ng suspek sa biktima.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa gitna nito, dumating ang dalawa pang suspek na sina alyas “Tomo” at alyas “Bob” at doon na magkakatulong na binugbog ang biktima.

Hindi pa nakuntento si alyas Tomo at hinampas pa ang biktima gamit ang isang bakal.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Inawat ng kapitan ng bangka ang nasabing insidente at naaresto ng awtoridad ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa hospital matapos magtamo ng mga head injury.

Sa ngayon, inihahanda na ang reklamong Physical Injury laban sa mga naturang suspek.