Aabot sa anim na pung residente ang nawalan ng tirahan sa Calle Claro Barangay Camino Nuevo kahapon ng umaga sa Zamboanga City.
Sa tala ng Bureau of Fire Protection, 237 na mga indibidwal ang naapektuhan nang sumiklab ang malaking sunog dakong 8:42 ng umaaga sa bahay ni Nonong Montero.
Base sa imbestigasyon, tinatayang aabot sa P350,000 ang naitalang initial na datos ng ari-arian, aabot rin sa 3rd alarm ang sunog.
Naitala din ang 5 casualty kung saan dalawa ang nakuryente at tatlo ang nasugatan, agad namang nailigtas ng City Disaster and Risk Reduction Management and Medical Team ang mga biktima at dinala sa malapit na pagamutan.
Sa kasalukuyan, pansamantalang tumuloy ang mga apektado residente sa evacuation center sa nasabing barangay at nagpaabot rin ng tulong ang iba’t-ibang mga grupo at organisayon.