Babae, ninakawan ng mahigit P40k na pera sa Legazpi City; 3 lalaki, arestado dahil sa ilegal na pagsasabong sa lungsod

LEGAZPI CITY – Nadukutan ng pera ang 59-anyos na babae sa isang business establishment sa Brgy. Bitano, lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang biktima na si Ma. Christine Jennifer Baria Romero, residente ng Brgy. Cruzada ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, bandang alas-9 hanggang alas-10:45 nang umaga nang madukutan ito nang hindi na mamalayan, hanggang sa ito ay nadiskubre na lamang na nawawala na pala ang kanyang pera na aabot sa P40K.

Hinanap ng biktima ang mga dumukot sa kanya, subalit nabigo siyang hanapin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Agad namang hinanap ng mga awtoridad ang mga suspek ngunit nabigo ang mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa din naman ang paghahanap sa mga suspek upang maaresto at masampahan ito ng kaso.

Samantala, tatlo namang lalaki sa Sitio Pulot, Purok 5, Brgy. 56-Taysan ang naaresto dahil sa ilegal cockfighting sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnold Lana Asiado, 28-anyos, construction worker; Eleuterio Apuya Austria, residente ng P-4, Tico-Tico, Brgy. 56, Taysan, Legazpi City at si Henry Huiben Buban.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Legazpi PNP mula sa isang concerned citizen tungkol sa ilegal na cockfighting sa lugar.

Agad naman pinuntahan ng mga awtoridad upang beripikahin ang pagsasabong sa lugar.

Nang maabutan ito ng mga kapulisan, dito na nagsipagtakbuhan ang mga nanunuod sa lugar, habang mabilis namang nadakma ng mga suspek.

Sa ngayon, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.