Binabantayan ngayon ng PAGASA ang active tropical cyclone sa labas ng PAR na huling namtaan sa layong 605 km north north west ng Kalayaan Island, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging papalo sa 55 km/h malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa hanggang 70 km/h habang kumikilos silangang hilagang-silangan sa bilis na 15 km/h.
Samantala may Low Pressure Area (LPA) naman na namataam sa 255 km Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur habang ang Southwest Monsoon ay patuloy na nakakaapekto sa western section ng Luzon.
Ang Ilocos region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon Posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Habang ang Caraga at Davao Region ay magiging Maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA.
Pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang mga residente dahil sa Posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
