‘PINASLAKAS’ Vaccination ng DOH, isinagawa sa legazpi

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Legazpi City Health Office (CHO) ng malawakang pagbabakuna upang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Fulbert Gillego, ang head ng nasabing opisina, bilang pakiisa ng City Government of Legazpi, isinagawa ang malawakang pagbabakuna upang suportahan ang programang inilunsad ng Department of Health.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nais rin nitong pataasin ang vaccination rate sa booster shot partikular ang mga senior citizen, pediatric group at adult.

Nakatakdang isagawa ang vaccination mula Agosto 8 sa mga lugar na matatao kabilang na rito ang ilang malls sa Legazpi, Imalnod Elementary School, Buyoan Elementary School, Cagbacong High School, San Francisco Elementary School, L3C at Legazpi CHO conference room.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kabilang sa mga babakunahan ang mga may edad na 5 hanggang 11-anyos (kid’s vaccination), 12 hanggang 17-anyos at adult vaccination (18 pataas).

Samantala, ang mga gagamiting bakuna sa naturang aktibidad ay Sinovac at Pfizer.