Babae, na-scam ng umanoy ‘online pautang’

Nagreklamo sa Brigada ang isang babaeng biktima ng ‘online pautang’ at pagbantaan pa sa buhay sa Puerto Princesa City.

Ayon sa babaeng biktima, may nagpadala sa kanya ng text message at sinabing inaprobahan na raw ang kanyang loan na inaplayan kahit wala naman siyang inaplayan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Hiningi raw ng ka- transaksyon ang kanyang facebook account at gcash account.

Pumasok sa gcash account ng biktima ang halagang 1, 980 pesos pero nagulat siya nang pinababayaran sa kanya ang halagang 3, 500 pesos.

Nang hindi siya agad makabayad ay pinadalhan na siya ng mga maaanghang na salita at sinabihan siyang papatayin kung hindi magbabayad ng 3, 500.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Inamin ng biktima na dahil sa takot ay sinikap niyang ibalik o bayaran ang 1, 980 pesos sa scammer.

Pinaalalahanan nito ang publiko na maging maingat matapos ang sinapit.