OWWA, nilinaw na tutulungan pa rin sa hotel acconmodation ang mga hindi pa fully vaccinated na OFW

Nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration na tutulong pa rin sila sa accommodation ng mga Overseas Filipino Workers.

Ito ay sa kabila ng pahayag na hindi na sila magsasagawa ng chartered buses at chartered flights simula sa June 1.

Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na magbibigay pa rin sila ng quarantine sa mga hindi pa fully vaccinated.

Inihayag din ni Cacdac na iho-hotel pa rin nila ang mga unvaccinated OFW dahil kailangan pa rin aniyang tulungan ang mga nangangailangan ng tulong.

Giit ni Cacdac, kailangan na ding makasabay ng OWWA sa new normal.

Samantala, binigyang diin ni Cacdad na suportado ng OWWA ang incoming Secretary ng Department of Migrant Workers na si Susan Toots Ople(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *