Australia niyanig ng 6.0 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 6.0 ang Timog-Silangan na bahagi ng Australia kabilang ang Melbourne city kaninang alas-9:15.

Sa inisyal na report, mayroong mga pinsalang naitala sa ilang gusali kung saan nagkalat sa mga kalsada ang ilang debris na nagbagsakan.

Wala namang naitalang initial na injuries sa nasabing pagyanig bagamat inaalam pa ng mga otoridad ang pinsala ng lindol.

Nagbabala naman ang Victoria State Emergency Service sa mga residente sa mga apektadong lugar na asahan na ang mga aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.

Samantala, sinuspende ang ilang city tram lines sa Melbourne dahil sa ilang damage habang ilan namang nakatira sa mga high-rise towers sa lungsod at mga naka-confine sa ospital ang inilikas haban ina-assess pa ang pinsala ng lindol