60 Human Rights Violations sa loob ng 9 na buwan naitala sa Bicol-CHR

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 60 katao ang naitalang human rights violation sa Bicol Region sa taong 2021.

Ito ang inihayag ni Regional Director Arlene Alangco ng Commission on Human Rights (CHR) Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Alangco, umaabot na sa 63 individual na paglabag sa human rights sa nasabing rehiyon sa kasalukuyang taon.

Hindi pa kasama rito sa bilang ang nasa online at hotline na ipinaabot ng mga ito sa nasabing tanggapan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Karamihan sa mga naitalang kaso ay mayroong kinalaman pagdating sa pagpapasabog sa lugar, drugwar, rape, at pang aabuso sa mga kababaihan.

Base sa record, pinakamaraming naitalang human rights violation ang lalawigan ng Albay na umabot sa 28, sinundan ito ng Camarines Sur 16, walo sa Sorsogon, 10 sa masbate, isa sa Camarines Norte at walang naitalansa Catanduanes. Sinabi rin ng opisyal, mas mababa ang kanilang naitala kumpara sa nakaraang taon na umabot sa mahigit 100 dahil sa nahihirapan din ang mga biktima ng pang aabuso na dumulog sa ahensya tukad ng mga lockdown na ipinatutupad, protocols na mga border sa bawat lalawigan at higit sa lahat Transportation patungo sa CHR.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Tiniyak rin ng Commission on Human Rights ang lahat na dinudulog sa kanilang opisina ay agad nila itong binibigyan ng kaukulang aksyon at gumugulong na rin ito sa pagdinig sa korte.