Lalawigan ng Catanduanes, 2 araw nang hindi nakakapagtala ng COVID-19 cases

BNFM BICOL— Dalawang araw nang hindi nakakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Catanduanes simula pa nitong nagdaang araw ng Lunes at maging kahapon araw ng Martes.

Batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nananatili sa 1,309 ang kabuuang kaso ng sakit sa probinsya kung saan nasa 153 pa nito ang aktibong kaso.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Samantala, bahagya namang tumaas ang bilang ng mga gumaling matapos na maitala ang siyam na recoveries nitong Lunes at 17 namang mga gumaling kahapon araw ng Martes.

Bunsod nito, pumalo na sa 1,114 ang COVID-19 recoveries mula sa isla habang wala namang naiulat na bagong nasawi. kung kaya’t nananatili sa 46 ang death toll ng sakit.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Kaugnay nito batay sa huling datus ng PHO as of September 19, umabot na  sa 33,065 o 20% ng target population sa Catanduanes ang  fully vaccinated na kontra COVID-19 habang nasa 44,913 individuals  naman ang mga naturukan na ng first dose, kabilang ang mga tumanggap ng one shot Janssen COVID vaccine.###