Australia at New Zealand, iginiit na pagtitibayin ang kanilang commitment sa Pilipinas

Iginiit ng ambassador ng bansang Australia at New Zealand na pagtitibayin nila ang kanilang commitment sa Pilipinas.

Kabilang dito ang pagpapalakas ng relasyon ng naturang mga bansa sa Pilipinas, kapayapaan, pagpapalago ng ekonomiya at pagpapatatag sa rehiyon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines Steven James Robinson na suportado niya ang ating bansa kaugnay sa issue ng West Philippine Sea.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Samantala, sinabi naman ni New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Francis Kell na mahalaga ang koneksyon ng kanilang bansa sa Pilipinas upang maging stable ito sa gitna ng naturang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo. (ARGIE ERGINA)