Mga bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang mga bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kung saan pumalo ito sa 539.

Mas mataas ito noong nakaraang araw na nasa 425 at sinasabing new record high sa nakaraang dalawang buwan.

Pumalo na sa 3,829 ang mga aktibong kaso ng naturang sakit at nasa 3,695,068 naman ang kabuuang kaso sa bansa.

Samantala, umakyat na sa 60,467 ang mga namatay habang nasa 3,630,772 naman ang mga nakarekober na. (ARGIE ERGINA)