Iniulat ni 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM Executive Director Karol Mark Yee na bullying capital ang Pilipinas sa buong mundo.
Batay anya ito sa pagaaral ng PISA o Program for International Student Assessment noong 2022, kung saan lumalabas na isa sa tatlong mga mag aaral ay nakakaranas ng bullying.
Naniniwala naman si Education Secretary Sonny Angara na malaking factor sa bullying ang problema sa bahay, epekto ng social media at minsan anya ay hindi alam ng mga kabataan na mali ang kanilang ginagawa.
Nakita rin sa pag-aaral na dahil sa bullying, naapektuhan nito ang learning capability ng mga bata, na nagiging rason kung bakit lumalabas rin na loneliest student in the world ang mga Filipino students.
Kabilang sa nakikitang factor ng EDCOM ay ang kakulangan din ng mga guidance counsellor na tagapag patupad ng anti-bullying act sa mga eskwelahan.
Kaya kabilang sa inatas sa kanila ng Pangulo na tiyaking merong lifeline ang mga estudyante o mga maaari nilang lapitan sa oras na nakakaranas sila ng bullying.
Habang ang DepEd naman ay imo-monitor rin ang compliance ng mga eskwelahan sa anti-bullying act.