Atleta mula sa bayan ng Bulan, humakot ng tatlong medalya sa swimming event

Hindi lang isa kundi tatlong medalya ang nasungkit ni Beatrize Maria Naz Mabalay mula sa Bulan National High School sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2023.

Isa sa nasabing mga medalya ay gintong medalya na napanalunan ng naturang atleta sa 200m breaststroke habang ang dalawa naman dito ay silver medal na kanya namang nasungkit mula sa 50m at 100m breaststroke.

Read More:  Man stabbed by neighbor in Dapitan City

Si Mabalay ang kinatawan ng Rehiyong Bicol  sa swimming event matapos na limang gold medal ang nakuha nito sa Palarong Bicol 2023 na ginanap sa Metro Naga Sports Complex noong buwan ng Abril.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu