‘Atin Ito’ Coalition, target na mahatiran ng tulong ang nasa 1 libong mangingisda sa kanilang civilian caravan sa Bajo de Masinloc

Target ng ‘Atin Ito’ Coalition na mahatiran ng tulong ang nasa 1 libong mangingisda sa kanilang civilian caravan sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Akbayan Party President at Atin Ito co-convenor Rafaela David, bawat pamilya ng mga mangingisdang kanilang masasalubong sa isasagawang supply mission ay bibigyan ng 5 kilong bigas at food supplies, bukod pa ang fuel subsidy.

Sa Port of Masinloc magsisimula ang paglalayag bukas.

Makakasama sa kanilang convoy ang nasa 100 fishing vessels na magsasagawa ng “peace and solidarity regatta”

Tiniyak din niyang mayroong sapat na security at protocols para ‘di mapahamak ang mga volunteers.

Paalala niya – hindi sila magsasagawa ng misyon sa Bajo para mag-sightseeing ng mga Chinese vessels, kundi, ang pagdadala ng tulong sa mga mangingisda

Maglalagay din sila ng mga bouya kung saan may nakasulat ng ‘WPS Atin Ito.’

Mayroon ding mga kasamang foreign observers mula sa sa mga bansang Sweden, Srilanka at Pakistan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *