LEGAZPI CITY – Kinumpira ng DEPED Schools Division Office ng Ligao City na maaari nang magamit ang kakalunsad pa lamang na Ligao City Athletic Oval sa pagdaraos ng iba’t ibang malalaking events sa sports tulad ng Palarong Bicol at Palarong Pambansa.
Kahapon kasi ay isinagawa ang inagurasyon ng nasabing sports facility kasabay ng ceremonial switching ng field lighting na pinangunahan ng lokal na gobyerno at iba pang mga opisyal.
Kasabay sa mga naging tagapagsalita sa aktibidad ay si SDO Ligao City Superintendent Dr. Nympha Guemo.
Ayon kay Guemo, ang nasabing pasilidad ay makakatulong sa paglinang ng mga kakayahan ng mga learners pagdating sa larangan ng sports.
Sinabi pa ni Guemo, ang DEPED ay naglatag ng 6 na mandatory sports kung saan kabilang ang athletics tulad ng arnis, sepak takraw, chess, swimming and dance sports.
Tinitignan nila na ang sports facility na ito ay magiging isang world class facility na tutulong sa bawat manlalaro ng nasabing lungsod.