ASG member na sangkot umano sa Dos Palmas Kidnappings, patay sa engkuwentro

Patay ang isang puganteng Abu Sayaff Member matapos na magpaputok sa mga pulis na maghahain ng warrant of arrest laban sa kanya sa Brgy. Caddayan, Akbar sa probiniya ng Basilan.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Director , PMGEN Romeo Caramat Jr. nagsagawa ng joint operations ang kanilang Task Force Sanglahi Bravo katuwang ang local police sa Basilan para isilbi sa suspek na si alyas “Buyong” ang warrant of arrest na inilabas ng isang korte noon pang October 2009.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ngunit habang papalapit sa hideout ng target , pinaputukan ng suspek ang mga awtoridad , dahilan para gumanti rin ng putok ang mga pulis.

Naisugod pa sa Lamitan District Hospital ang suspek ngunit
idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Ayon kay Caramat , si alyas “Buyong” ay kabilang sa NPSR sa ilalim ni Isnilon Hapilon at follower ni ASG Abdurajak Janjalani.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sangkot din ito sa kidnapping at serious illegal detention ng 20 turista mula sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong May 27, 2001 kung saan ilan sa mga biktima ang pinatay.

Nahuli at nakulong na ito noong July 2002 ngunit nagawa niyang makatakas kasama ang 15 iba pang ASG inmates nang ililipat ang mga ito ng ibang lokasyon sa Basilan.
#