14 billion USD investment mula sa mga foreign trips ni PBBM, naipatupad na ayon sa DTI

Nagkaroon na ng resulta ang mga pangakong investment na nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga foreign trips.

Batay sa ulat ng Department of Trade and Industry o DTI, nasa 46 mga proyekto na nagkakahalaga ng 14.2 billion US dollar ang naipatupad na.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Ibig sabihin, operating na at kumpleto na ang proseso ng pagpaparehistro ng proyekto sa mga Investment Promotion Agencies ng DTI o nagsimula na sa implementasyon.

Ang pamumuhunang ito ay sumasaklaw sa sektor ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, infrastructure, transport and logistics, agriculture, at retail.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Karamihan naman sa mga investment na ito ay mula sa Japan na may 21 projects at US na merong 13 projects.

Habang meron pang 102 projects na nagkakahalaga ng 53 billion USD ang nasa pre-implementation at planning activities ng mga foreign investors.
#