ASF Task Force ng Sagñay, Camarines Sur, activated na; kaso ng ASF sa kalapit na bayan ng Tiwi, Albay, naitala

CAMARINES SUR –  Activated na ang Municipal Quick Response Team (MQRT) sa Sagñay, Camarines Sur  at mahigpit na magbabantay sa boarder upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy na positibo na sa kalapit na bayan ng Tiwi, sa Albay.

Sa inilabas na Executive Order No. 35, Series of 2024 ng alkalde, nakapaloob ang kautusang pagbabawal muna sa pag-aangkat ng mga buhay na baboy at pork products mula sa bayan ng Tiwi. Inilatag na rin ang mga checkpoint sa lugar upang mag-monitor at mag-disinfect sa mga sasakyang papasok sa boarder ng nasabing bayan.

Paglilinaw ni Mayor Jovi Fuentebella, bagaman wala pang kaso ng ASF sa Sagñay, ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagpasok ng naturang virus sa mga baboy na labis na makakaapekto sa mga hog raisers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *