Delivery rider, hinoldap ng umanoy mga armadong kalalakihan

Naholdap ang isang delivery rider na si Mohamad Jhon Sappayani, 24-anyos noong Sabado ng hapon  sa Barangay Panalingahan, Rizal, Palawan.

Ang rider ay magdedeliver sana sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan nang harangin umano ito ng limang kalalakihan na may mga baril.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, nakuha sa biktima ang higit-kumulang ₱30,000.00, isang cellphone at kasama ring tinanggay ang kanyang motorsiklo.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Samantala, naglagay na ng checkpoint ang PNP sa mga pangunahing kalsada at nagsasagawa na ng manhunt operation upang madakip ang mga suspek.