NAGA CITY- Aksyon kaagad ang Lokal na pamahalaan ng Calabanga, Camarines Sur at ang Department of Agriculture-Bicol upang mapigilan ang paghahawa-hawa ng pagkakasakit ng mga baboy sa isang Barangay naturang bayan.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mayor Eugine Severo. Aniya noong Lunes , Enero 30 , 2023 nang may mag report sa kanila at pinatingnan ito sa tamang opisina.
Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Love Guarin ang tagapagsalita ng DA Bicol , sinabi nitong positisibo nga test , isang hog raiser lang naman ang apektado, ginawa na ang ASF incursion upang hindi na kumalat pa.
Bago ito , zero incidence na sa ASF ang Bicol Region base sa record ng DA kaya inabisuhan na ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga nararapat na mabilis na hakbang upang hindi na madagdagan pa ang nagkasakit na baboy.