Imee, wi-nelcome ang mungkahing italaga siyang Agriculture Secretary

Nangako si Senadora Imee Marcos na hindi niya bibiguin ang sektor ng agrikultura.

Ito ang naging reaksyon ni Marcos matapos imungkahi ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG chairperson Engr. Rosendo So na siya na lamang ang italagang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon sa Senadora, itinuturing niyang isang ‘compliment’ ang pag-endorso sa kaniya ni So bilang full-fledged DA Secretary.

Sa kabila niyan, siya raw ay ibinoto bilang isang mambabatas at nabigyan na ng maraming mga Kumite sa Senado.

Aniya, makatutulong na siya sa agriculture sector mula sa Senado at sa iba pang mga pamamaraan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kung maaalala, sinabi sa isang panayam ni So na nakita raw nila ang pagsusumikap ni Marcos na matulungan ang mga magsasaka.

Matatandaaang kasalukuyang Secretary ng DA si Pangulong Bongbong Marcos dahil wala pa itong itinatalagang kalihim ng Kagawaran.