Isinusulong ng Association of Southeast Asian Nations at Japan ang pagsunod sa umiiral na international laws para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Nanawagan sila na sundin ang United Nation Charter at 1982 United Nation Convention on the Law of the Sea.
Nauna rito nanawagan din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kapwa lider ng mga bansa na magkaisa sa pagtugon sa mga banta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon at mga hamong dulot ng nagbabagong lagay ng panahon sa mundo.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na kailagan ng bagong solusyon para tugunan ang umiigting na tensyon sa mas malawak na South China Sea kung saan bahagi ang West Philippine Sea dulot ng mapanghamong galaw ng China.
Sinabi ng Pangulo na banta sa kapayapaan sa rehiyon ang unilateral actions sa East at South China Sea at ang isinasagawang missile test ng North Korea.
Umaasa din ang Pangulo na makakabuo ng kasunduan sa iba pang bansa tulad ng Japan at Amerika sa usaping defense at security cooperation.
Nakiisa naman si Japanese Prime Minister Fumio Kishida patungo sa malayang Pacific region.
